Mas maghihigpit na ang Bureau of Immigration (BI) sa mga Pilipinong lalabas ng bansa

Kasunod ito ng insidente ng pamemeke sa edad sa pasaporte ng isang 21-anyos na pinay na hindi pinayagang makaalis ng bansa papuntang Saudi Arabia para magtrabaho bilang household service worker.

Sa interview ng RMN Manila… inamin ni B-I ports Operations Division Chief Grifton Medina na aktibo na naman ang mga sindikato ng human trafficking sa bansa.

Aniya, karamihan o 60% hanggang 70% ng mga nabibiktima ng human trafficking ay mga kababaihan.


Sabi pa ni medina – hindi nila isasakripisyo ang basta-basta lang na pagpapalabas sa mga pilipinong nais mag-abroad nang dahil lang sa mahaba lagi ang pila sa paliparan.

 

Kaugnay nito, nakikipagtulungan na rin sila sa DOJ at OWWA para higpitan ang proseso sa mga paliparan at hindi sila malusutan ng mga illegal recruiter.

Facebook Comments