Mas mahabang curfew hours, ipapatupad sa Metro Manila sa gitna ng ECQ – MMDA

42

Magpapatupad ng mas mahabang curfew hours sa buong National Capital Region (NCR) oras na maisailalim ito ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos,
magsisimula ang curfew ng alas-8 ng gabi at magtatagal ng hanggang alas-4 ng madaling araw.


Layon ng hakbang na mabawasan ang mobility o paggalaw ng tao bilang dagdag na pag-iingat sa banta ng delta variant ng COVID-19.

Kasabay ng curfew, ipatutupad din ang liquor ban sa ilang mga lungsod na nasa ilalim ng NCR.

Kabilang dito ang lungsod ng Valenzuela, Mandaluyong, Parañaque, Pasay, Navotas, San Juan, Quezon City at Pateros.

Patuloy namang iginigiit ni Abalos na nasa mga Local Chief Executives na ang desisyon kung kanilang paiiralin ang liquor ban sa kanilang mga lungsod.



Sa huli, paalala ni abalos sa lahat ng mga Metro Manila Mayos na mahigpit na ipatupad ang pinahigpit na alituntunin para masigurong maiiwasan ang hawaan ng COVID-19 at mga variants nito.

Facebook Comments