Mas mahabang oras ng pababakuna kontra polio, palalawigin ng DOH

Balak ng Department of Health na dagdagan ang oras at araw ng pagbibigay nila ng bakuna laban sa sakit na polio.

 

Paliwanag ni Health Assistant Secretary Ma. Rosario Vergeire nang isagawa ang unang round ng pagbabakuna ng oral polio vaccine (OPV), 55 porsiyento lang sa target na 200,000 bata ang nabakunahan.

 

Sinabi pa ni Vergeiri na kasado na ang malawakang pamimigay ng DOH ng OPV sa iba-ibang bahagi ng bansa kung saan nasa 5.5 milyong batang may edad 5 pababa ang target mabigyan.


 

Ang unang round ng OPV sa Mindanao ay isasagawa sa Lanao Del Sur, Marawi City, Davao City, at Davao del Sur sa Oktubre 14.

 

Kasabay nito, isasagawa din sa Oktubre 14 ang ikalawang round ng OPV sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila.

 

Habang buong Mindanao at NCR naman ang bibigyan ng OPV sa Nobyembre 25.

Facebook Comments