Daing ng ilang drivers ng pampasaherong sasakyan ang mas mahabang ruta ngayon bunsod ng one way scheme sa Dagupan City dahil sa kasalukuyang konstruksyon ng mga road projects ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa siyudad.
Kaugnay nito, nagpahayag ang mga drivers sa mga pasaherong kanilang isinasakay tungkol sa konting taas singil sa pamasahe dahil nga mas mahaba pansamantala ang rutang kanilang dinadaanan dagdag pa ang hindi matapos tapos na pagsirit sa presyo ng produktong langis ngayon.
Aminado ang mga ito na kinakailangan nilang tumalima sa mga ipinapatupad na kautusan dahil mas mahirap umano kung matiketan ang mga ito sa paglabag ng mga batas trapiko.
Dagdag pa ng mga ito ang isa pa sa kanilang pinoproblema ay ang pagdami pa rin ng mga colorum ng sasakyan at nakikitang hindi makatarungan para sa mga driver na may prangkisa at rehistrado ang pinapasadang sasakyan.
Samantala, hiling pa ng mga ito ang rollback sa presyuhan ng langis na kauna-unahan umanong nagpapahirap sa mga ito. |ifmnews
Facebook Comments