Mas mahabang validity period ng motor vehicle registration, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Cagayan de Oro 1st district Rep. Lordan Suan ang mas mahabang validity period ng motor vehicle registration na kasalukuyang ginagawa taon-taon.

Nakapaloob ito sa House Bill 8438 na inihain ni Suan o ang panukalang Extended Motor Vehicle Registration Act.

Sa ilalim ng panukala, ang validity period ng certificates of registration ng mga bagong biling sasakyan ay limang taon at tatlong taon naman para sa brand new na motorsiklo.


Gagawin namang tatlong taon ang validity period ng registration para sa mga sasakyan na mahigit limang taon hanggang pitong taon na ang edad.

magiging kada dalawang taon naman ang pagpaparehistro para sa mga sasakyan na walo at siyam na taong gulang na.

base sa panukala, gagawin lang ang kada taon na pagpaparehistro para sa mga sasakyan na 10 taon o higit pa ang edad.

Paliwanag ni Suan, bukod sa abala o pagkasayang ng oras ay may pagkakataon na nagdudulot din ng stress sa may-ari at driver ng sasakyan ang taon-taon na pagpunta sa Land Tansportatoon Office (LTO) para magparehistro.

Facebook Comments