Manila, Philippines – Aminado ang Transport Network Service na Uber na mas magiging mahaba na ang waiting time ng kanilang mga pasahero bago makapag-book.
Sinabi rin ni Laurence Cua, General Manager ng Uber Systems Philippines, na nagtaas na rin sila ng singil dahil marami na sa kanilang driver ang natatakot na mahuli ng land Transporation Franchising and Regulatory Board.
Posible rin aniyang lumala pa ang sitwasyon kapag ipinatupad ang paglilimita sa bilang ng mga TNVS na pwedeng bumyahe.
Samantala, nagpatawag naman ng pulong ngayong araw ang LTFRB para pagpaliwanagin ang Grab at Uber kung bakit patuloy pa rin active ang mga sasakyang walang prangkisa.
Facebook Comments