MAS MAHAHASA PA | Mga magtatapos sa PNPA nais italaga ni PNP Chief sa PNP-SAF

Manila, Philippines – Kung si PNP Chief Ronald Dela Rosa ang tatanungin nais niyang italaga sa PNP Special Action Force ang mga magtatapos ng Philippine National Police Academy (PNPA) Maragtas Class of 2018.

Naniniwala si Dela Rosa na mas mahahasa ang mga ito bilang mga opisyal ng PNP kapag mapasama sa SAF at mapasabak sa giyera kontra sa mga kalaban ng pamahalaan.

Aniya, ayaw niyang isabak agad ang mga ito sa anti-drug campaign dahil posible aniyang maimpluensyahan ng mga pulis na kasama sa mga gumagawa ng iligal.


Kaninang umaga ay humarap sa kaniya ang top 10 ng PNPA Maragtas Class of 2018.

Hinamon ang mga ito na panindigan ang kanilang motto na service, honor, justice

Ito ay sa pangunguna ng kanilang class valedictorian na si Police Cadet Fritz John Vallador ng Kabankalan City, Negros Occidental.

Kasama niya sina:

Police Cadet Francis Fagkang ng Sadanga, Mt. Province;

Police Cadet Jess Torres Agustin ng Kabayan, Benguet.

Police Cadet Jesstony Asanion ng Sta. Cruz, Zambales;

Fire Cadet Myrick Paldingan ng Mankayan, Benguet;

Police Cadet Christian Juego ng Dasmariñas City, Cavite;

Police Cadet Cherry Mae Montaño ng General Santos City;

Police Cadet Stephen Abrica ng Cebu City;

Jail Cadet Arjay Cuasay ng Parañaque City

At Police Cadet Maricar Sison Ansus ng Sorsogon City.

Itinakda ang kanilang graduation sa March 21 at si Pangulong Roddrigo Duterte ang kanilang guest of honor and speaker sa PNPA, Silang, Cavite.

Facebook Comments