Mas mahigpit na border control, inirekomenda ng DOH dahil sa Delta variant

Iminungkahi ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng mas mahigpit na border control sa halip na palawigin ang travel ban sa mga bansang mataas ang kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi naman maaaring magpatupad ng travel ban sa lahat ng bansang nakapagtala ng Delta variant.

Sa ngayon aniya ay umabot na sa 92 bansa ang nakapagtala ng Delta variant.


Una nang pinalawig ng pamahalaan ang temporary ban sa mga biyaherong manggagaling sa United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka, at Bangladesh hanggang Hulyo 15 dahil sa banta ng Delta variant.

Facebook Comments