Magpapatupad ang Land Transportation Office (LTO) ng mas mahigpit na guidelines sa mga motoristang kukuha ng Driver’s Licenses.
Ayon kay LTO Executive Director Romeo Vera Cruz, sinimulan na ng ahensya ang implementasyon ng Automated Driving Examination Terminals, isang touch screen portal na naglilimita sa Human Intervention.
Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang pagbibigay sa mga aplikante ng questionaire na mayroon nang sagot base na rin sa mga natatanggap nilang reklamo.
Aniya, maging ang mga nag-a-apply para sa Student Driver’s License ay dapat ding kumuha ng pagsusulit.
Sa lumang scheme ng LTO, kinakailangan lang magsumite ng aplikante ng mga requirements gaya ng License Application Form, Medical Certificate at Birth Certificate, para sa pagkuha ng Student Permit.