Mas mahigpit na gun control, iginiit ng isang kongresista

Iminungkahi ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na palakasin at higpitan ang regulasyon nito sa pagbibigay ng License to Own and Possess a Firearm.

May mga impormasyon si Duterte na may mga nakakalusot at nagbabayad na lang para makapasa sa neuro-psychiatric examination na isa sa mga requirements para makakuha ng lisensya sa pagkakaroon ng baril.

Sabi ni Duterte ang mga insidente ng pamamaril sa bansa ay patunay na kailangan ng pag-aralan o repasuhin ng PNP ang umiiral na patakaran at proseso sa pag-iisyu ng lisensya para sa pagmamay-ari ng baril.


Pangunahing inihalimbawa ni Duterte na insidente ng pamamaril ang pagkamatay ng isang traffic enforcer sa Cavite matapos barilin ng sinitang lasing na motorcycle rider.

Una rito ay isinulong din ni Duterte ang pagpasa sa panukalang death penalty makaraang masawi ang isang female architect sa Davao City na binaril at ginasa pa.

Facebook Comments