Ipinapatupad na ngayon ng mga barangay sa Pasay City ang mas mahigpit na hakbang para mapigilan ang paglaganap ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Ilan sa mga barangay ay naglagay na din ng harang sa bawat kalsada, papasok at papalabas ng kanilang nasasakupan.
Hindi din basta-basta nagpapapasok sa ilang barangay habang hinahanapan naman ng IDs ang bawat residente.
Maging ang mga nais bumisita sa kanilang kaibigan o kamag-anak ay hindi na din pinapapasok at pinababalik sila o pinapauwi na lamang.
Bilang bahagi ng protocol at makontrol ang bilang ng mga nais lumabas ng kanilang bahay para mamili ng pagkain o gamot, may ibinibigay na din na quarantine pass sa mga residente.
Umaasa naman ang bawat residente ng barangay na maipapamahagi na agad ang mga food packs na inihanda ng lokal na pamahalaan ng Pasay.