MAS MAHIGPIT NA PAGBABANTAY, IPINATUPAD SA MGA BUS TERMINAL SA DAGUPAN CITY

Nagpatupad ng mas mahigpit na pagbabantay ang Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation (DOTr) sa mga bus terminal sa Dagupan City bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Undas.

Simula pa noong Oktubre 20, nagsasagawa na ng inspeksyon ang mga tauhan ng ahensya sa mga bus, drayber, at konduktor upang matiyak ang kaligtasan ng biyahe.

Namahagi rin sila ng mga impormasyon hinggil sa tamang pagtrato at pagbibigay-prayoridad sa mga pasaherong kabilang sa vulnerable sectors gaya ng senior citizens, buntis, at persons with disabilities.

Inaasahang tataas ang bilang ng mga pasahero hanggang Nobyembre 2.

Facebook Comments