Mas mahigpit na pagbabantay sa mga APOR, Hiniling ng PHO Cagayan

Cauayan City, Isabela- Hiniling ngayon ng Provincial Health Office ng Cagayan ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga Authorized Person Outside Residence (APOR) na mga papasok sa lalawigan.

Ito ay bunsod ng mas maluwag na pagpapapasok sa mga ito sa lalawigan na posibleng magdala ng kinatatakutang sakit na coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa pahayag ni Dr. Carlos Cortina, Provincial Health Officer, madalas aniya ay ID lang ang ipinapakita ng mga APOR at walang kahit anong health certificate o assessment para sa kanilang sitwasyin sa kalusugan.


Giit pa ng opisyal, kailangan din na ituring na Locally Stranded Individuals (LSIs) at Overseas Filipino Workers (OFW) ang mga APOR dahil sa kanilang exposure sa mga lugar na may positibong kaso ng COVID-19.

Batay sa inilabas na memorandum, kinakailangan nilang dumaan sa mas mahigpit na health assessment at PCR o rapid test bago sila makapasok sa probinsya.

Kailangan din mabigyan ng mas maagang paabiso ang mga Local Government Unit (LGU) kung saan posible silang magsagawa ng pangangalap ng balita para sa mga media practitioners o sa iba para higit silang mabantayan ng mga otoridad.

Facebook Comments