Mas mahigpit na pagpapalabas ng work permits sa mga dayuhan, hihigpitan

Naghihigpit na ang Bureau of Immigration (BI) sa pagbibigay ng special working permits sa mga dayuhang manggagawa sa bansa.

Sa harap ito ng sunud-sunod na pagkakaaresto sa mga Chinese na iligal na nagta-trabaho sa Pilipinas.

Tiniyak din ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pai-igtingin ng BI ang kanilang intelligence gathering kaugnay ng presensya ng mga dayuhang manggagawa sa bansa.


Nilinaw din ni Guevarra na ang binibigyan lamang ng Bureau of Immigration (BI) ng special working permit ay ang mga magta-trabaho sa Pilipinas sa loob lamang ng kulang-kulang anim na buwan.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Guevarra kasunod ng pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat nang alisin sa BI ang pag-iisyu ng work permits sa mga dayuhan.

Facebook Comments