Mas mahigpit na pagpapatupad na pinaiksing curfew hours, ipinag-utos ni PNP Chief

42

31Titiyaking walang pakalat-kalat sa mga lansangan sa oras ng curfew.

Ito ang mahigpit na bilin ni Philippine National Police o PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) matapos na ipatupad ang pinaiksing curfew hours.


Batay sa desisyon ng Metro Manila Council (MMC), ang pinaiksing curfew ay mula hatinggabi hanggang alas-4:00 ng umaga, epektibo kahapon.

Ayon sa PNP chief, maaring samantalahin ng mga masasamang loob ang pinaiksing curfew hours para gumawa ng krimen kaya kailangang manatiling alerto ang mga pulis.

Ang pagpapaikli ng curfew hours ay dahil sa napaulat na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila mula nang ipatupad ang General Community Quarantine (GCQ) Alert Level 4.

Facebook Comments