Mas Mahigpit na Pagpapatupad ng Community Quarantine, Iniutos ni City Mayor Bernard Dy!

Cauayan City, Isabela- Mas mahigpit na pagpapatupad ng Community Quarantine sa Lungsod ang aasahan sa susunod na oras matapos pagkaisahan ng IATF Covid 19 na tuluyan ng ipagbawal ang mga traysikel sa lungsod.

Ayon kay Mayor Bernard Dy sa isinagawang meeting sa pamamagitan ng video conference at ng Taskforce Covid, inatasan nito ang lahat ng mga barangay opisyal na paigtingin pa ang pag-strikto sa mga kabarangay na nais lumabas.

Muli din ipinaalala sa mga barangay Kapitan ang mga exemption na dapat sundin sa pagpapatupad nito.


Nilinaw naman ni Vice Mayor Bong Dalin Jr na hindi totoong isasara ang palengke ng Cauayan taliwas sa mga lumalabas na impormasyon na isasara pansamantala.

Hinikayat naman ni PLt. Col Gerald Gamboa ang mga mamamayan na makiisa sa kanilang gagawing paghihigpit lalo sa mga checkpoints sa lungsod.

Maglalatag narin ng tinatawag na express lane para sa mga medical/or health personel at iba pang mga front liners sa covid 19 at hindi narin magbibigay ng travel pass ang mga Kapitan upang mas mapanatili na walang lalabas sa kanilang mga barangay.

Huhulihin na rin ang sinumang maglalakad sa lansangan na walang suot na face mask at mga lalabag sa Curfew Hour.

Nakatakda namang kausapin ng mga opisyal ng lungsod ang mga pinuno sa iba’t-ibang section sa palengke at mga negosyante hinggil sa gagawing pagpapaigting ng Community Quarantine sa Lungsod.

Facebook Comments