Pag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang mungkahi ni Senador Ping Lacson na magpatupad ng mas mahigpit na gun control sa bansa para maiwasan ang serye ng karahasan.
Ito ay kasunod na rin ng napapadalas na pagpaslang sa mga pulitiko.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde – ikokonsidera nila ang mungkahing ito ng senador.
Hinimok din niya ang mga pulis na maging responsable sa pagbibitbit ng baril.
Nanawagan naman si Albayalde sa publiko at sa mga kandidato na huwag haluhan ng politika ang presensya ng mga pulis sa tuwing may mga pulitikong bumibisita sa isang lugar.
Aniya, bahagi lang ito ng trabaho ng mga pulis at hindi para suportahan ang kanilang pangangampanya.
Facebook Comments