Manila, Philippines – Pinahihigpitan ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang regulasyon sa Transport Network Vehicle Service o TNVS ng Uber at Grab.
Sa House Bill 4891 o Transportation Network Service Act ni Batocabe, nais nitong ipa-classify bilang public utility vehicle ang Uber at Grab para mapasailalim ang mga ito sa mahigpit na regulasyon.
Sakaling higpitan ang polisiya dito ay hindi makakalusot ang nga may-ari ng TNVS o mga kumpanya sa pananagutan sakaling may aksidente o magkaroon ng problema ang pasahero sa driver ng unit.
Bukod dito, ang mga electronic receipts ng transaksyon ng pasahero at tsuper ay kailangan din itago bilang basehan ng ipapataw na buwis ng Bureau of Internal Revenue.
Higit sa lahat, kailangan na mag-apply ng accreditation to operate at dapat na mai-renew ito sa kada ika-dalawang taon upang ligal ang pagbyahe.
Pinakamahalaga ay available dapat ang computation na ipapakita sa publiko para nalalaman nila ang mga price surges na ipinapataw kapag rush hour o kaya ay holiday season.