Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na palakasin ang kapangyarihan nito sa pag-regulate sa small and large scale mining.
Layon nito na matiyak na updated ang mga pamantayan at matiyak na mahigpit na sundin ito ng mining companies.
Kabilang dito ang safety at health programs para sa mga minero.
Ayon sa pangulo, maraming mga minero ang namamatay dahil sa kawalan ng tamang pagsasanay at kulang sa safety measures sa loob ng mining sites.
May mga panukalang batas na maaaring sertipikahang urgent ng Pangulong Marcos kabilang na ang pag-amyenda sa Republic Act 7076 para bigyan ng insentibo ang small scale mining, bukod pa sa social assistance at labor protection maging ng government assistance programs.
Kaninang umaga, pinulong ng pangulo ang mga opisyal ng DENR sa Malacañang.