Mas Mahigpit na Patakaran sa Balik-Operasyon ng Primark Palengke, Ipinatupad

*Cauayan City, Isabela*- Lalong naghigpit ang mga apprehension team sa muling pagbubukas ng primark palengke sa Lungsod ng Cauayan simula ngayong araw, Oktubre 15, 2020.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nagkaroon na ng ilang mga kondisyon ang unang araw ng balik-operasyon ng palengke kung saan mayroon lamang apat (4) na entry points na binabantayan ng mga apprehension team.

Bago makapasok ang mga vendor o mamimili sa loob ng palengke ay susuriin muna kung may suot na facemask at faceshield at isasailalim sa thermal scanning.


Mahigpit rin na ipatutupad ang “No Facemask, No Faceshield No Entry Policy” at mayroon na rin mga nag-iikot sa loob ng palengke upang tiyakin na sumusunod sa tamang pagsusuot ang mga vendors at mamimili.

Matatandaan na pansamantalang inilockdown ang primark panglengke simula noong ika-9 ng Oktubre hanggang alas 12:00 ng madaling araw ng 15 matapos makapagtala ng mga vendor na nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments