Mas mahigpit na quarantine level, hindi pa irerekomenda ayon sa DOH

Hindi muna irerekomenda ng Department of Health (DOH) na isailalim ang buong Metro Manila sa mas mahigpit na quarantine level.

Sa kabila ito ng higit 4,000 naitatalang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na sunod-sunod na araw.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakikita nila ang positibong resulta ng pagsasagawa ng localized lockdowns.


Aniya, nakadepende rin ang kanilang desisyon sa rekomendasyon ng kanilang technical advisory group at ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Samantala, inihayag ng DOH na suportado nila ang desisyon ng National Task Force Against COVID-19 na suspendihin ang pagpasok ng mga foreigners at returning overseas Filipinos mula Marso 20 hanggang Abril 19.

Ang tanging papayagan lamang makapasok ng bansa ay ang mga may non-immigrant visas, medical repatriation at mga escort nito at napauwing Overseas Filipino Workers (OFWs).

Facebook Comments