
Tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 ang pagpapaigting ng crowd management at pagpapalakas ng on-ground coordination sa buong linya.
Kasunod ito ng viral video hinggil sa matinding congestion ng mga pasahero sa platform sa Cubao southbound station nitong Lunes ng umaga.
Kabilang sa corrective at preventive measures na pinaiiral ngayon ng Safety and Security, at Engineering Division chiefs ng MRT-3 ang mas mahigpit na regulasyon sa pagpasok sa platform tuwing may congestion.
Gayundin ang pagtutok sa pagbabantay sa mga kritikal na bahagi ng mga istasyon, lalo na sa peak hours sa umaga at gabi.
Nag-deploy na rin ng safety at security resources para matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng biyahe ng publiko.
Una nang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa mga naapektuhang pasahero.










