MAS MAHIGPIT NA REGULASYON SA QUARRYING AT PAGMIMINA, IPATUTUPAD SA BAYAMBANG

Magpapatupad ng mas mahigpit na regulasyon sa quarrying at pagmimina ang lokal na pamahalaan ng Bayambang kasunod ng mga napaulat na aktibidad sa ilang bahagi ng bayan.

Ito ang tinalakay sa isang pagpupulong ng lokal na pamahalaan kung saan sinuri ang kasalukuyang kalagayan ng quarrying activities at ang mga hakbang upang mas mapalakas ang pangangasiwa at pagpapatupad ng mga umiiral na batas at alituntunin.

Binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng maayos na land use planning, kung saan inilahad ang aprubadong zoning at land use plan ng bayan bilang pangunahing gabay sa pag-regulate ng mga aktibidad na may kaugnayan sa lupa, kabilang ang quarrying at pagmimina.

Pinag-aralan din ang pagbuo ng isang Technical Working Group para sa quarrying at mining na magsisilbing mekanismo sa mas mahigpit na regulasyon, mas malinaw na koordinasyon ng mga kinauukulang tanggapan, at mas epektibong monitoring at pangangasiwa.

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, layon ng pamahalaang bayan na mapangalagaan ang kalikasan, matiyak ang kaligtasan ng mga residente, at masiguro na ang lahat ng quarrying at mining activities sa Bayambang ay naaayon sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>

Facebook Comments