Mas mahigpit na seguridad sa buong Metro Manila, asahan na bukas ayon sa Joint Task Force ASEAN

Manila, Philippines – Asahan na simula bukas ang mas pinagigting na seguridad sa Metro Manila, kasunod ng inaasahang pagdating ng iba pang ASEAN leaders sa Maynila.

Sa press briefing, sinabi ni Police Chief Supt. Nestor Bergonia, Chief Secretariat ng Joint Task Force ASEAN, na bagamat sumusunod sila sa una ng inutos ng Pangulo na magkaroon ng minimal inconvenience ang publiko dahil sa pagiging host country ng bansa.

Huwag pa rin aniyang subukang magpasaway at magpalipad ng drones o kahit anomang sasakyang panghimpapawid dahil sakaling kailanganin ng pagkakataon ay pababagsakin nila ito.


Pinabulaanan rin nito ang una nang napabalita na kinalimutan nila ang kapakanan ng mga pulis na nakabilad sa araw sa paligid ng PICC, dahil kulang kulang umano ang mga portalets.

Aniya, hindi pa lang tapos ang paglalagay ng mga ito at tiniyak nito na maayos rin ang pamamahagi ng mga pagkain.

Hiling nila ngayon, kooperasyon ng publiko dahil hindi naman umano taon-taon nabibigyan ng pagkakataon ang Pilipinas na maging host country ng ASEAN.

Facebook Comments