Sa ilalim ng bagong pamunuan sa NAIA, isa sa mga prayoridad ang pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad.
Ito ang inihayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) kasunod ng pagtake over sa NAIA ng New NAIA Infrastructure Inc. o NNIC.
Sinabi ni MIAA Spokesman Atty. Chris Bendijo na ito ang napagkasunduan sa pag-uusap ng NNIC at MIAA.
Ito ay lalo na’t mananatili sa NAIA ang operasyon ng Office for Transportation Security o OTS.
Ayon kay Bendijo, kabilang sa babantayan ng NNIC ang isyu sa tanim bala at ang nakawan ng gamit ng mga pasahero sa loob ng paliparan.
Kabilang din aniya sa paiiraling polisiya ay ang pagbukas lamang ng bagahe sa presensya o sa mismong harapan ng pasahero.
Facebook Comments