Hinimok ng isang public health expert ang pamahalaan na magpatupad ng mas mahigpit na travel ban sa mga biyahero galing sa United Kingdom.
Ayon kay dating National Task Force Against COVID-19 Adviser Dr. Tony Leachon, hindi na dapat hintayin pa ng pamahalaan na magkaroon ng transmission ng bagong strain ng COVID-19 bago pagbawalan ang lahat ng biyahero galing UK na makapasok sa bansa.
Kailangan aniyang gayahin ang ginawa ng Japan na mabilis ang aksyon sa pagsasara ng kanilang borders.
Giit pa ni Leachon, magiging malaking problema sakaling makapasok na ang bagong strain ng virus sa bansa lalo na’t wala pang COVID-19 vaccine ang Pilipinas.
Facebook Comments