MAS MAHIGPIT | Philippine Criminology Act of 2018, nilagdaan na ni PRRD

Manila, Philippines – Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagtatakda ng “mas mahigpit” na pamantayan para sa mga kukuha ng board exam sa kursong criminology simula 2019.

Batay sa Republic Act 11131 o Philippine Criminology Profession Act of 2018, dapat makamit ng mga exam taker ang general average na 75 percent at hindi bababa sa 60 percent kada subject sa exam.

Kinukuha ang criminology ng mga nais pumasok sa law enforcement agency tulad ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP).


Maaari lamang umulit nang hanggang limang beses ang mga babagsak sa nasabing exam.

Kapag bumagsak pa rin sa ika-5 subok, obligado nang kumuha ng refresher course ang exam taker bago muling sumabak sa exam.

Pinahihintulutan rin ng nasabing batas ang Professional Regulation Commission (PRC) na inspeksiyunin ang mga eskuwelahan at faculty nito, maging ang pagsuspinde at pagtanggal ng lisensiya ng mga criminologist na mapapatunayang gumagawa ng malpractice.

Magiging epektibo ang mga nasabing pamantayan sa susunod na criminology board exam na gaganapin sa Hunyo 2019.

Facebook Comments