Sa kabila ng pagkakaroon ng operasyon ng kapulisan sa panghuhuli ng mga nasa likod ng iligal na droga ay mas pina-iigting pa rin ng kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan ang pagbabantay sa mga ito.
Dahil dito nananatiling mahigpit ang kampanya ng PNP Pangasinan para malabanan ang problema sa iligal na droga.
Sinabi ni Police Col. Jeff Fanged, Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, walang humpay pa rin sa pagbabantay at hindi tumitigil ang mga kawani ng kapulisan upang magsagawa ng operasyon na panghuhuli at mas mahigpit na pagmonitor sa sinumang sangkot sa iligal na droga.
Batid ng opisyal na sakaling mabayaan ang pagbabantay sa iligal na droga ay mabilis lamang itong lumaganap ngunit kung patuloy aniya na babantayan ito, mas mapipigilan ang pagdami nito.
Hindi rin aniya maikakaila na bagamat may mga nahuhuli na mga indibidwal na konektado sa droga ay mabuti nalang aniya na walang namo-monitor na drug lords sa lalawigan ngunit mga maliliit lamang o ang mga gumagamit at nagtutulak lamang.
Dahil sa kagustuhang masugpo ang iligal na droga, hindi nagkukulang ang ahensya na makipag-ugnayan iba’t ibang tanggapan gay ana lamang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Local Government Units, at Barangay Councils para sa mithiing magkaroon ng maayos na program na angkop para sa mga nalilihis sa landas.
Isa ang pasilidad na Balay Silangan Reformation Facility/Center na ipinapatayo ng mga Lokal na Pamahalaan para mabigyan ng lugar ang mga sangkot sa iligal na droga na makapag-bagong buhay muli at tuluyan ng iwan ang iligal na gawain.
Matatandaan na dito lamang ika-19 ng Abril, taong kasalukuyan nang pinasinayaan ang isang Balay Silangan Reformation Center sa bayan ng Manaoag kung saan ito na ang ika-9 na pasilidad para sa mga nasasangkot sa mga iligal na droga.

Facebook Comments