Mas maigting na konsultasyon sa mga LGU sa mga proyekto sa transportasyon, iniutos ni PBBM

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Transportation (DOTr) na paigtingin ang konsultasyon sa mga lokal na pamahalaan para sa mahahalagang proyekto sa transportasyon at connectivity.

Sa pakikipagpulong sa Regional Development Council – Central Visayas sa Cebu City, partikular na tinukoy ng Pangulo ang Cebu Bus Rapid Transit System, na hindi umano magiging matagumpay kung walang malalim na koordinasyon sa mga local government unit (LGU).

Ayon sa Pangulo, dapat makinig ang national government sa mga LGU dahil sila ang mas pamilyar sa sitwasyon on the ground sila rin umano ang makatutukoy ng mga problema at solusyon.


Inaasahan ng Pangulo ang dedikasyon ng DOTr at Cebu City government sa pagtitiyak ng right-of-way at resettlement site ng proyekto, upang masimulan sa takdang oras ang nalalabing packages o bahagi nito.

Facebook Comments