Mas maigting na operasyon laban sa mga criminal group, ikinakasa ng PNP

Walang tigil ang operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga criminal group dahilan para mapatay sa operasyon ng PNP – Highway Patrol Group (HPG) ang tatlong miyembro ng robbery holdup at kidnapping group sa Benguet, kahapon.

Ayon kay Police Brig. Gen Rommel Marbil, Director ng PNP-HPG, batay sa utos ni PNP Chief General Dionardo Carlos, kailangang maging alisto at mas maigting ang police operation laban sa mga kriminal partilar ang sangkot robbery holdup at kidnapping.

Nagpapasalamat si Marbil dahil wala ni isa sa kaniyang mga tauhan ang nasugatan at nasawi sa pakikipagbarilan sa mga nasawing suspek.


Mga miyembro ng PNP-HPG ang nanguna sa pagsasagawa ng operasyon kahapon.

Facebook Comments