Mas maiksing isolation at quarantine periods sa mga fully vaccinated individual, pinag-aaralan na ng pamahalaan

Ikinokonsidera ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapaiksi ng isolation at quarantine periods para sa mga fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Kasunod ito ng pagpapaiksi sa isolation at quarantine period ng mga fully vaccinated health workers.

Ayon kay Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vince Dizon, pinag-aaralan na ng mga eksperto na tularan ang ginagawa ng Amerika at Europa.


Batay sa IATF guidelines, ang mga fully vaccinated healthcare worker na nahawaan ng COVID-19 pero asymptomatic at mild o moderate case lamang ay dapat mag-isolate ng limang araw mula sa dating sampung araw.

Ang mga fully vaccinated health workers naman na na-expose lamang ay hindi na kailangang sumailalim sa quarantine.

Habang nananatili sa sampung araw ang isolation at quarantine period ng mga fully vaccinated general population.

Facebook Comments