Manila, Philippines — Sisimulan na ng PNP sa susunod na linggo ang kanilang pagbabalik sa kampanya kontra ilegal na droga.
Ayon kay PNP Chief Director Gen. Ronald Dela Rosa, sinimulan na nila ang kanilang Oplan Double Barrel, at mga buy-bust operations pero ang ginagawang pagbisita sa mga bahay ng mga drug suspeks na “Oplan Toktok Hangyo” ang hindi pa nila isinasagawa.
Sinabi pa ni Dela Rosa, mas magiging maingat na ang kaniyang mga tauhan sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang upang hindi na sila masingitan ng mga tiwaling pulis.
Dagdag pa ng PNP Chief, kakatok at manghaharana ang simpleng paraan na kanilang gagawin at saka pakikiusapan na sumuko na ang mga ito.
Ititigil na din ng PNP ang “patapang approach” kung saan susundin ng mga pulis ang general guidelines sa Oplan Tokhang para raw walang paglabag sa karapatang pantao ang mangyayari.
Siniguro rin ni PNP Chief na ang mga pulis na nauugnay sa illegal drugs ay 100 percent na hindi kasama sa operasyon.
MAS MAINGAT NA | Kampanya ng PNP kontra ilegal na droga, sisimulan muli sa susunod na linggo
Facebook Comments