MANILA – Itinuring ng Senado na malaking development ang pagharap ng Casino Junket Operator na si Kim Wong sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng multi million dollar money lunadering.Sa interview ng RMN kay Committee Chairman Sen. Teofisto Guingona, magandang hakbang ito dahil maliban sa testimonya ni Wong at natukoy ang ilang sangkot sa nakawan ng pera sa Bangladesh, ay masasauli pa ang bahagi ng $81 million na nakaw na pera.Ngayong araw aniya ay itu-turnover ni Wong sa Anti Money Laundering Council ang natitirang $4.6 million o katumbas ng nasa mahigit P200 million na pera na kanyang kinita.Sinabi rin ni Guingona kung hindi agad napigilan ay aabot pa sa 950 milllion US dollar ang posibleng nakapasok sa bansa.Sa ngayon ay sinisikap na rin ng AMLAC mula sa Solaire Resort and Casino ang nasa P107.3 million na kanilang pinigil.
Mas Malaki Pang Halaga Ng Nakaw Na Pera Mula Sa Bangladesh Central Bank, Posibleng Naipasok Sa Bansa Kung Hindi Agad Nap
Facebook Comments