MAS MALAKI PANG PROBLEMA | Kongresista, hinimok ang pamahalaan na magsagawa ng inspeksyon sa lahat ng pabahay ng NHA sa buong bansa

Manila, Philippines – Nanawagan si Anakpawis PL Rep. Ariel Casilao kay Pangulong Duterte na magsagawa ng inspeksyon sa lahat ng mga proyekto ng National Housing Authority (NHA) sa buong bansa.

Isinisisi ng kongresista sa NHA ang mga substandard na pabahay na itinayo para sa mga biktima ng bagyong Yolanda at maaaring ito ay ‘tip of the iceberg’ lamang ng mas malawak pa na problema sa housing projects ng gobyerno.

Ayon kay Casilao, wala namang ibang daan para makalusot ang mga contractors na kinuha para gumawa ng mga natuklasang substandard na pabahay kundi ang NHA kaya dapat na mapanagot ang mga opisyal nito.


Tinukoy pa ng kongresista na maging ang mga pabahay sa Pandi, Bulacan ay hindi tinirahan ng mga orihinal na beneficiaries nito dahil sa maliit na espasyo, mabagal ang paggawa sa bahay, malayo sa trabaho, walang tubig, kuryente at kulang sa mga pangunahing serbisyo na siyang dapat na unang ininaalang-alang ng NHA.

Nagtataka ang kongresista kung bakit nagkukulang ang NHA na tiyakin ang maayos at disenteng pabahay gayong ito ay binuhusan ng pondo ng pamahalaan at mayroon pang mga international donations.

Facebook Comments