Mas malaking allowance at hazard pay para sa healthcare workers, dapat ipaloob sa 2022 budget

Iginiit ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva na palawigin pa sa susunod na taon ang pagbibigay ng dalawang special allowances para sa mga medical frontliner ng bansa.

Hiling ni Villanueva, taasan pa ang alokasyon para sa Special Risk Allowance (SRA) at ang COVID-19 Active Hazard Duty Pay (AHDP) sa 2022 national budget.

Ang AHDP ay isang allowance na binibigay sa ilalim ng mga batas na Bayanihan sa mga public health workers, habang ang SRA naman ay para sa mga healthcare workers sa pribado at pampublikong ospital.


Ayon kay Villanueva, hindi hihigit sa P3,000 kada buwan ang AHDP na maaring matanggap ng isang public health worker o katumbas lamang na P136 kada araw.

Sabi ni Villanueva, sa SRA naman ay limitado sa P5,000 kada buwan o P227 kada araw na bayad para sa mga healthcare worker na nasa COVID Ward duty.

Facebook Comments