
Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Israel ang inaasahang pagdagsa ng mas maraming turistang Israeli sa Pilipinas.
Kasunod ito ng pagbubukas ng direct flights mula Israel patungong Pilipinas.
Ayon sa Philippine Embassy, kabilang sa nakahikayat sa mga turistang Israeli ang visa free ng Pilipinas sa loob ng 59 araw.
Sa taong ito, 35,000 Israel tourists ang inaasahang dadagsa sa Pilipinas.
Ito ay mas mataas kumpara sa 25,000 na mga turistang Israeli na dumating sa Pilipinas.
Facebook Comments










