MAS MALAKING BUDGET PARA SA EDUKASYON AT KALUSUGAN, IGINIIT NG ILANG PANGASINENSE

Iginiit ng ilang Pangasinense na dapat pagtuunan ng gobyerno ng mas malaking pondo ang edukasyon at kalusugan sa 2025 national budget bilang pagtugon sa pangunahing problema ng mga Pilipino.

Ayon sa ilang Pangasinense na nakapanayam ng IFM News Dagupan, kinakailangan na mag-invest ang gobyerno sa edukasyon ng mga kabataan dahil sila umano ang pag-asa ng susunod na henerasyon.

Samantala, ilan naman ang nagsabi na unahin ang pagpopondo sa mga programang pangkalusugan para sa ikagagaan ng buhay ng mga mahihirap.

Bukod dito, ilan pa sa mungkahi ng mga Pangasinense ang pagpapabuti pa ng disaster response sa susunod na taon upang maiwasan ang trahedya sa mga pamilyang Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments