Mas malaking bulto ng illegal drugs, posibleng nakapasok na sa bansa

Manila, Philippines -Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na panglihis ng atensyon lamang ng illegal drugs syndicate sindikato ang nadiskubreng “floating cocaine” sa Camarines Norte, Dinagat Islands at Siargao.

Kutob ni PDEA Director General Aaron Aquino, habang abala ang mga otoridad sa operasyon sa floating cocaine malamang na sinamantala ito ng sindikato para ipuslit ang shabu sa bansa.

Aniya, nagsakripisyo ang sindikato ng P125 million na halaga ng cocaine para maipasok naman ang P11.15 billion ng shabu.


Ang cocaine ay hindi drug of choice ng Pilipinas.

Ito ay kinokonsumo lamang sa mga bansang Australia, Mainland China at Hong Kong.

Dahil, hinigpitan ng ang pagbabantay sa airports at seaports, gumagamit na ng ship side smuggling ang drug syndicates dahil sa kakulangan ng bantay sa coastlines.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang PDEA sa kanilang mga katapat sa ibang bansa at pinakilos na rin ang sandatahang lakas para barahan ang mga lusutan sa mga baybaying dagat.

Facebook Comments