Mas malaking cash assistance sa mga rice farmers, hiniling ng Kamara

Hiniling ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na bigyan ng mas malaking cash assistance ang mga rice farmers mula sa sobrang kita sa buwis sa ilalim ng Rice Tariffication Law.

Noong 2021, tumaas sa 22% ang tariff collection sa imported na bigas o P18.9 billion.

Dahil sa pagtaas ng nakolektang buwis, nararapat lamang umanong dagdagan din ang cash assistance sa mga magsasaka ng palay upang masakop din dito ang tumataas na presyo sa abono o fertilizer at fuel.


Isinusulong ni Salceda na mula sa P5,000 ay itaas sa P8,000 ang unconditional cash assistance sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) programs.

Paliwanag ng mambabatas, ang presyo ng fertilizer sa kada ektaryang lupa ay aabot na sa P4,356.

Batay pa sa Fertilizer Price Index, ang year-on-year na presyo ng abono ay umangat ng 141%.

Ang itinutulak na P8,000 na dagdag sa ayuda sa mga magsasaka ay sakto lamang din para sa itinaas ang halaga ng fertilizer at para sa iba pang gastusin ng mga rice farmers.

Facebook Comments