Mas malaking pondo para sa COMELEC, asahan na sa 2025 national budget

Halos walang pagbabago sa prayoridad ng gobyerno sa babalangkasin na 2025 National Budget, bukod sa mas malaking budget para sa Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman na maraming eleksyon sa 2025 kaya’t kailangan ng mas malaking pera ng komisyon.

Kabilang aniya sa mga tinukoy ni COMELEC Chairman George Garcia ay ang mid-term elections, botohan para sa mga opisyal ng BARMM, at muling paghalal ng mga lider barangay.


Paliwanag pa ni Pangandaman na pag-upo naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay alam na nito ang mga bibigyang prayoridad.

Kasama sa mga ito ang sektor ng kalusugan, edukasyon, at ang mga proyektong nakapaloob sa Build Better More Program ng pamahalaan.

Facebook Comments