Mas malaking pondo para sa DOST scholars, isusulong ng isang senador

Isusulong ni Senator Camille Villar sa deliberasyon ng budget sa plenaryo ang pagbibigay ng mas malaking pondo para sa mga scholar ng Department of Science and Technology (DOST).

Layon ng pagdagdag ng pondo para sa scholarship program ng ahensya ay mapaunlad at maihanda ang mga kabataan na maging bihasa sa larangan ng agham at teknolohiya.

Partikular na isusulong ni Villar ang dagdag na P300 million para sa mga iskolar sa agham ng Philippine Science High School System (PSHSS).

Naniniwala ang mambabatas na dapat sabayan ang mabilis na pagbabago ng agham at teknolohiya at hindi dapat mapagiwanan ang mga kabataan sa mga pagbabagong ito.

Dagdag pa ng senadora, kapag pinalakas ang mga scholar ng agham ay malaki ang maiaambag ng mga ito sa pagunlad ng bansa.

Facebook Comments