Mas malalim na imbestigasyon sa pagkamatay ng isang bicycle rider sa Cavite, tutukan ng PNP

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang mas malalalim na pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng isang bicycle rider sa Kawit, Cavite noong October 3.

Batay sa unang inisyal na imbestigasyon ng local police, nasawi ang bicycle rider na si Kenneth Ponce na biktima ng hit-and-run road accident pero kalauna’y natukoy na namatay ito sa pamamaril matapos na magtamo ito ng ilang tama ng bala ng baril sa katawan.

Siya ay natagpuang patay sa Abaya Road, Barangay Tabon, Kawit, Cavite.


Sinabi ni PNP chief na may utos na siya sa PNP-Calabarzon na tutukan ang kaso para matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito at mahuli ang salarin.

Nakikiusap din si PNP Chief sa mga taong may alam sa krimen na makipagtulungan sa mga otoridad para agad na maresolba ang kaso at mabigyang hustisya ang pagkamatay ng biktima.

Facebook Comments