Mas malalim na relasyon sa mga kalapit bansa at ilan pang magagandang balita, pasalubong ni Pangulong Marcos sa pagbabalik sa bansa

Nakabalik na sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos ang inaugural state visits sa mga bansang Indonesia at Singapore.

Sa kanyang arrival speech, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na mayroon siyang pasalubong sa bansa mula sa matagumpay na biyahe, na una nitong tinawag na pangangapit-bahay.

Kabilang sa ibinalita ng pangulo ang mas pinalakas pang relasyon ng Pilipinas sa Indonesia matapos malagdaan ang komprehensibong bilateral ties.


Pinagusapan din nila ni Indonesian President Joko Widodo, ang delimitation ng boundaries ng kanya-kanyang continental shelves na maaaring makatulong sa pagresolba sa conflicting claims.

Sinabi rin ng presidente ang tungkol sa pakikipagpulong niya kina President Halimah Yacob at Prime Minister Lee Hsien Loong ng Singapore.

Ayon sa pangulo, ang kanyang pagbisita sa dalawang bansa ay nagbukas rin ng pagkakataon na makipagpalitan ng pananaw sa mahahalagang usaping may kinalaman sa rehiyon at pandaigdig na naka-aapekto sa seguridad.

Importante sa lahat, magdadala aniya ito ng maraming oportunidad sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa mga napirmahang kasunduan para sa negosyo at kooperasyon sa iba’t ibang sektor.

Facebook Comments