Mas malalim na ugnayan ng Pilipinas at Timor-Leste, inaasahan ni PBBM

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang pagbisita ni Timor-Leste President José Ramos-Horta sa bansa ay magiging tanda ng mas matibay na relasyon ng Pilipinas at Timor-Leste.

Sa joint press statement sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na isa sa mga tinalakay nila ni President Horta sa bilateral meeting ay ang pag-reconvene ng policy consultations ng Timor-Leste.

Napag-usapan din nila ang posibilidad na magkaroon na ng direct flights sa pagitan ng Timor-Leste at Pilipinas sa pamamagitan ng air services agreement.


Dagdag pa ng pangulo, nagkaroon din sila ng social security agreement, gayundin ang pagpapalakas ng education cooperation at pagpapataas sa student exchange ng dalawang bansa.

Sa panig naman ni President Horta, sinabi nito na ikinagagalak niya ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng Pilipinas.

Malaking bagay aniya ang pagsuporta sa isa’t isa ng dalawang bansa lalo na’t halos pareho ang kasaysayan nito partikular na ang pagiging Catholic countries.

Samantala, tinanggap naman ni Pangulong Marcos ang imbitasyon ni President Horta na bumisita rin sa Timor-Leste.

Facebook Comments