Isiunusulong ng Department of Information and Communications Technology o DICT na magkaroon ng batas kontra deep fakes o artificial intelligence generated materials na may malisyosong intensyon, at iba pang uri ng online crimes.
Sa Malacañang insider, sinabi ni DICT Sec. Ivan John Uy na kailangan na ng mas komprehensibo at mas malawak na batas na tututok sa lahat ng online harm tulad ng phishing, scam, deep fake, at misinformation.
Mas maganda aniya na maging iisa na ang batas na tutugon sa lahat, sa halip na ang may magkakaibang batas na mahirap na tutukan at ipatupad nang sabay-sabay.
Nanawagan din si Uy na dapat magkaroon ng batas na magpapataw ng parusa sa platforms na nagsisilbing enablers o daan sa online harms, tulad ng Facebook.
Facebook Comments