Hinihikayat ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralan na magsagawa ng self-assessment sa face-to-face classes.
Ito ay sa kabila ng planong palawakin pa ang pagpapatupad nito sa buong bansa.
Dahil dito, hinihikayat nila ang lahat ng pampublikong paaralan na magsagawa ng self-assessment sa pamamagitan ng School Safety Assessment Tool.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, regular silang mag-uulat sa publiko at sa presidente patungkol sa naturang hakbang.
Bukas, November 15, 2021 ay magsisimula na ang pilot implementation ng face-to-face sa 100 pampublikong paaralan sa buong bansa.
Facebook Comments