Ibinida ang lokal na produkto ng mga magsasaka sa bayan ng Santo Tomas, Pangasinan bilang suporta sa pagpapalawak ng merkado upang itampok ang kanilang produkto at madagdagan ang kanilang kita.
Sa mga isinagawang agri-tourism activities, itinampok ang Agricultural Crops Field Demo na nagsilbing plataporma upang maipakita ang kakayahan ng local farmers sa agrikultura at maisulong ang mga lokal na produkto ng bayan.
Naging bahagi rin ang KADIWA para sa mga residente na naglalayong maghatid ng abot-kayang bilihin sa bawat tahanan.
Kabilang sa mga itinampok ang iba’t ibang tanim at produkto tulad ng ng dried fish na direktang ibinenta sa mga manlalako.
Sa pamamagitan ng naturang programa, nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na mailapit sa publiko ang kanilang ani. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










