Hinikayat ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang Department of Education (DepEd) na lawakan ang pagsusuri at pananaw kaugnay sa nag-viral na TikTok video ng isang guro na nagagalit sa kanyang mga estudyante.
Sabi ni Garin, ang insidente ay maaaring eye opener para tutukan ng DepEd ang hirap na pinagdaraanan ng mga guro, lalo na sa pampublikong paaralan na maaaring ugat ng galit nito sa kanyang mga estudyante.
Ayon kay Garin, mahalaga ang pagkakaroon ng command o support system sa sektor ng edukasyon upang mabigyang pagkakataon ang mga guro na mailabas ang kanilang mga saloobin o problema at makakuha ng tulong.
Dagdag pa ni Garin, posibleng hindi ito isolated case kundi isang sintomas ng mas malaking isyu sa sektor ng edukasyon.