Mas malawak na sakop ng community quarantine, pag-uusapan ng Inter Agency Task Force ngayong araw

Magsasagawa ng pagtaya o assessment ang Inter Agency Task Force for the Emerging Infectious Diseases sa pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila.

Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na lahat ng posibilidad ay ilalatag nayong araw para pag-usapan at talakayin sa gagawing pagpupulong.

Kabilang na rito ang posibilidad na palawakin pa ang sakop ng community quarantine sa mga karatig lalawigan.


Ayon kay Panelo, sa pulong ng Interagency Task Force ngayong araw, pag-aaralan at aalamin kung may pangangailangan na magpatupad ng mas mabigat o mahigpit pang  karagdagang hakbang kontra COVID-19.

Paliwanag ni Panelo, sadyang may pangangailangan kasing maghigpit pa ang mga otoridad sa paglalabas-masok ng mga tao sa NCR para talagang maiwasang maikalat ang COVID-19.

Inihalimbawa ni Panelo ang Macau na hanggang ngayon ay zero COVID-19 dahil sa pinaiiral nilang total lockdown.

Bago kasi ipinatupad ang community quarantine maraming mga naghabol magsilabasan sa National Capital Region at nag uwian sa iba’t-ibang lalawigan.

Kaya pangamba tuloy ng mga taga-probinsya na baka nadala na ang virus sa kanilang lalawigan.

Facebook Comments