Manila, Philippines – Nagbanta ang Piston na mas malawak na transport caravan ang kanilang ikakasa para tutulan ang public utility vehicle modernization program ng pamahalaan.
Ayon kay Piston President Gorge San Mateo, hindi nila kaya ang P1.6 milyong halaga ng isang modernong jeep.
Aniya, mababaon sila kapag inutang ang pambili na inialok ng Department of Transportation at tiyak nilang taas ang pamasahe sa modernong jeep.
Sinabi naman ni LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra, hindi na pwedeng ipagpaliban ang modernisasyon ng trasportation.
Pinag-aralan naman aniya nila ang financial package para sa mga driver.
Kahapon ay naparalisa ang biyehe ng jeep sa Bulacan, Pasig, Quezon City, Marikina, Antipolo at Montalban at na-perwisyo din ang pasok ng mga estudyante.